Darating din ang panahon

Darating din ang panahon

Darating din ang panahon,
Na ang puso ko’y panatag na,
Panatag na umibig muli,
Pagka’t limot na kita.

Darating din ang panahon,
Na himbing na akong makatutulog,
Hindi na mapipikit ang mata,
Na basang basa ng luha.

Darating din ang panahon,
Na tuluyan nang malaya ang pusong nakakulong,
Pagka’t sa panahon na iyon,
lubusan nang hihilom ang mga sugat na natamo.

Darating din ang panahon,
Na totoo na ang mga ngiti sa aking labi,
Mga mata’y mangungusap nang muli,
At hindi na muling hihikbi.

Darating din ang panahon,
Na tapos na,
Wala na.

Darating din ang panahon,
Na ubos na,
Maging latak ay wala na.

Darating din ang panahon,
Na malilimutan kita,
Hindi ang mga alaala,
kundiang pagmamahal na minsa kong inalay sa ‘iyo.

Pagmamahal na sati’y nagbaon.
Nagbaon sa paniniwalang baka ikaw at ako na,
Paniniwalang, tayo na ang para sa isa’t isa.
Tayo na akala’y sigurado na.

Kaya’t darating din ang panahon,
Na malilimutan na kita,
Wala nang galit sa puso,
Wala nang pighati.

Wala na ang lahat, pangako wala na.
Hindi na muling magpapakatanga,
Hindi na muling aasa na babalik ka pa.
Dahil ayoko na, tama na. Tapusin na.

Darating din ang panahon,
Na lahat nang ‘yan ay magagawa ko.
Dahil pagod na ako,
Kaya’t tatapusin ko na ito.

Ngunit habang wala pa ang panahon na ‘iyon,
Maaari bang subukan muna natin?
Posible bang, ikaw ay maging akin?
At pwede bang, wag mo muna ako palayain?

Dahil pwede naman nating ibahin,
Ang mga mangyayari sa darating na panahon,
Pwede nating baguhin,
lahat nang tinuran ko ngayon.

Pwede namang maging ‘tayo’ ang ‘ikaw’ at ‘ako’,
Maging totoo na ang ‘tayo’ ay may kasiguraduhan,
Maging positibo ang lahat ng negatibo.

Na hindi na natin kailangan pang hintayin ang pagdating ng panahon,
Dahil ngayon palang, masaya na tayo’t may kasiguraduhan,
Paki-usap, wag mo lang akong iwan.

Darating din ang panahon,
Na ang puso ko’y panatag na.
Mahal kita, kahit lakas maka-tanga.
Pero seryoso, mahal na mahal pa rin kita.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s